Monday, September 3, 2012

Face-to-Face


Tula Para sa Programang Face to Face
Face to Face Para sa Masa
(TriGebra)

Isang programang napakaganda,
naghahatid ng pagkakaisa't pag asa,
magulong isyu naliliwanagan na,
programang swak para sa pamilya.

Andyan si Tyang Amy na nasa gitna,
walang pinapanigan, walang inuuna,
kung sino ang mali, tawad hingin na,
sa tulong ni Hans, sawsawero't sawsawera.

Alin pa bang programa ang hinahanap mo,
nakakatulong sa magkaaway,upang magkabati ito,
matuto tayo ng advice galing sa Trio Tagapayo,
programang para sa atin mga PILIPINO!

No comments:

Post a Comment