Monday, September 3, 2012


Belonghilot, Jay A.                                                     FILIONE (Midterm)
BSCoE 11A                                                                   Bb. Jardin
TALUMPATI

Isa pong pinagpalang umaga para sa lahat ng taong naririto’t pinapakinggan ako. Ano nga bang meron sa umagang ito kung bakit maganda ang himig at daloy na kinatutungkulan natin ngayon? Kailangan lamang buksan ang ating mga isipan at maging isang parang basong walang laman upang maintindihan lahat ng anumang sinasabing makabuluhan.

Nandito ako ngayon nagsasalita sa harapan ninyo dala ng aking buong pagkatao, dignidad at dangal na may kalakip na pinakamahalagang kagandahang asal na dapat taglayin ng isang indibidwal. Kailangan ba talaga ito? At dapat ba nating mas isa alang-alang na paunlarin para mas lubos nating maiintindihan ang hiwaga ng buhay? Sa realidad ng buhay, hindi natin masasabi kung hanggang kelan, itong mga karapatang tinatamasa natin sa mundong ito. Sa bawat araw na nagdaan, kailangan nating magsiguro sa mga bagay na nangangailangan ng tamang desisyon at magandang diskarte.  Ngunit, wala ang lahat ng mga ito kung wala ang gabay ng ating Panginoon.

Isa sa mga turo ng aking Ina ay ang ugaling ito na kung saan ayon sa kanya na “Kapag meron ka nito, wala kang talo” ikanga din sa patalastas na “cobra”. Noong una’y napaisip ako, “Ano nga ba talaga ang dapat kong taglayin upang magtagumpay sa buhay? upang malampasan ang mga pagsubok na dumadaan? upang hindi ko magawa ang mga maling disposisyon tulad ng pagpatay, pagnanakaw, pagsisinungaling at iba pa? upang masunod  sa tamang landas na aking tinatahak? Upang sa kasiguruhan ng aking kaluluwa sa kabilang mundo? Kasabay ng kaisipang ito, naaalala ko ang isa sa mga napakagandang sinabi ng isang akda sa Filipino 4 na “huwag kang gumawa ng mabuti sa kadahilanang may langit, kundi gumawa ka ng mabuti dahil ang mabuti ay mabuti” na pinaulit ulit pang binibigkas ng aming guro sa amin na iniisa isa kaming tinawag at binigyang paliwanag. Dito ko napagtanto na dapat bukas sa puso natin ang paggawa ng mabuti sa kapwa na walang hinahangad na anumang kapalit. Sa ugaling ito sinasabi rin nila kumbaga sa pampalasa “all-in-one”, nandun na lahat ng sangkap upang makapagpalasa sa isang pagkain.,ang punto ko, sa ugaling ito nandito na lahat, na kapag meron ka nito, magagawa mo ang pagiging  isang matapat, may respeto, masikap, responsable, may konsensya at may tiwala sa sarili at marami pang kaugaliang dapat taglayin ng isang tao, ng isang ganap na tao.

Medyo marami pang paliguy-ligoy ang aking sinasabi, ngunit ito na kaibigan, sasabihin ko na ba o nahihinuha mo na? Marahil ang iniisip mo kaibigan ay gayundin sa iniisip ko, dahil para sa aking sariling paniniwala na ang pinakamahalagang kagandahang asal  na dapat taglayin ng isang tao, walang iba kundi ang may takot sa Diyos o God-fearing person. Yun lamang po at maraming salamat, Mabuhay!

1 comment:

  1. Your Affiliate Money Making Machine is waiting -

    And making profit with it is as simple as 1---2---3!

    This is how it all works...

    STEP 1. Tell the system which affiliate products you intend to promote
    STEP 2. Add some PUSH BUTTON traffic (it LITERALLY takes JUST 2 minutes)
    STEP 3. Watch the system explode your list and sell your affiliate products all on it's own!

    Do you want to start making profits?

    Click here to launch the system

    ReplyDelete